Exportbank tuloy ang obligasyon sa kliyente
() - September 27, 2005 - 12:00am
Malapit nang makumpleto ng Export and Industry Bank ang pagbabayad nito ng obligasyon sa mga kliyente at depositors nito kung saan ay umabot na sa P187 milyon ang naibayad nila sa ilalim ng Liability Servicing Program (LSP).

Ang scheme ng pagbabayad na ito ay bahagi ng kasunduan sa pagitan ng EIB at ng nagsarang Urban Bank at Urban Bank Investments na sinalo ng Export Bank matapos magsara ito noong Abril 16, 2000.

Ang nasabing scheme ng pagbabayad ay ‘commitment’ ng Export bank na bayaran sa loob ng anim na taon ang kanilang mga pinansyal na obligasyon sa dating kliyente ng UB at UBI. Ang nasa schedule na pagbabayad ng EIB noong September 15 ay kanilang 4th repayment notes na nasa ilalim ng 6-taong LSP ng Export bank.

ABRIL BANK EXPORT EXPORT AND INDUSTRY BANK EXPORT BANK LIABILITY SERVICING PROGRAM MALAPIT PAGBABAYAD URBAN BANK URBAN BANK INVESTMENTS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with