Sen. Kiko sinabon ni GMA dahil sa VAT
April 29, 2005 | 12:00am
Pinagalitan umano ni Pangulong Arroyo si Senate Majority Francis "Kiko" Pangilinan noong Miyerkules matapos na mabigo itong isulong ang 12 % rate ng Value Added Tax (VAT).
Nabatid na personal na nagtungo si Pangilinan sa Malacañang noong Miyerkules ng hapon para kausapin ang Pangulo, subalit nabigla ang senador nang ratsadahin siya ng katarayan ng Presidente.
Sinisisi umano ni Pangulong Arroyo sina Pangilinan at Sen. Ralph Recto dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin lumulusot sa bicameral conference committe ang kagustuhan ng Palasyo na karagdagang 2% sa kasalukuyang 10% VAT.
Nagtangka pa umanong magpaliwanag si Pangilinan, ngunit sinabihan itong bakit pa nagpunta ng Malacañang gayung hindi naman umano ito inimbita para magmeryenda kasama ang Pangulo.
Wika pa ng source, masama umano ang loob na lumabas ng Palasyo ang senate majority leader na halatang nagtitimpi na rin sa galit sa Pangulong Arroyo.
Ang ginawang pagsabon ni GMA kay Pangilinan ay hindi naman nagustuhan ng ilang miyembro ng Wednesday Group sa Senado dahil matapos umanong idepensa ni Pangilinan si Mrs. Arroyo sa canvassing ng presidential votes noong 2004 ay nagawa pa ng Chief Executive na pagalitan ito.
"Sabi nga ni Kiko, hindi na raw ba naisip ni Gloria (Pangulong Arroyo) na malaki ang hirap niya noong nakaraang eleksiyon. Hindi bat kaya nabali ang kanyang gavel dahil sa kakapukpok maipagtanggol lamang sa nakalipas na bilangan si Gloria. Hindi lang iyon, nabansagan pa siyang Mr. Noted dahil kay Gloria, tapos iyon lang pala ang ipatitikim sa kanya," sabi pa ng nagkukuwentong senador.
Bukod sa pagkapahiya, may isa umanong pinoproblema si Pangilinan ngayon. Hindi umano niya malaman kung ikukuwento ang pagkainis sa Pangulo sa asawa niyang si megastar Sharon Cuneta lalo pa at nagdiwang sila kahapon ng wedding anniversary.
Kilala kasi si Cuneta na "galit" kay Pangulong Arroyo dahil sa pagkamatay ng ninong nitong si Fernando Poe Jr., na natalo sa nakalipas na eleksiyon. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended