^

Bansa

Sara impeachment tatagal ng 7 buwan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sara impeachment tatagal ng 7 buwan
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug ito ay base sa bilang ng mga araw ng paglilitis na hinihiling ng panig ng prosekusyon at depensa.
(Photos by Ryan Baldemor/The Philippine STAR)

Pinakamahabang trial sa kasaysayan

MANILA, Philippines — Maaring umabot ng pitong buwan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug ito ay base sa bilang ng mga araw ng paglilitis na hinihiling ng panig ng prosekusyon at depensa.

Dahil dito kaya ito na ang magiging pinakamahabang impeachment trial sa kasaysayan ng bansa.

Sinabi ni Bantug na base sa kanilang pagtaya, ang prosekusyon ay humiling ng 62 araw na paglilitis habang ang depensa naman ay 30 araw.

Paliwanag pa niya, aabot sa kabuuang 92 araw ng paglilitis at kung isasagawa lamang ang pagdinig ng tatlong beses kada linggo, aabutin ito ng hindi bababa sa pitong buwan bago mataps ang buong proseso.

Maaari naman aniyang mapaiklli ang takbo ng paglilitis kung mas maraming testigo ang maipipirisinta sa bawat araw ng pagdinig.

Matatandaan na noong impeachment trial ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona noong 2012 ay tumagal ito ng 44 araw.

Habang  23 araw naman ang tinagal ng pagdinig ng impeachment trial ni dating Pangulong Joseph Estrada dahil itinigil ito matapos mag-walkout ang prosekus­yon dulot ng pagtanggi ng Senado bilang impeachment court na buksan ang kontrobersiyal na ikalawang envelope.

Ito ang naging mitsa ng EDSA People Power II na nauwi sa pagpapatalsik kay Estrada noong 2001.

BANTOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with