^

Bansa

‘Mr. Khaos’ kinilala sa tipid-gas invention

-
Isa na namang natatanging award ang nakamit ni Pablo "Mr. Khaos" Planas, imbentor ng Khaos Super Turbo Charger (KSTC), ang ipinagmamalaking imbensyon ngayon sa bansa.

Kinilala ng parangal ang kakaibang husay at galing ng imbensyon ni Planas na anila’y hindi lamang nagbigay karangalan sa buong mundo kundi malaking tulong din upang makatipid sa paggamit ng mga panggasolinang sasakyan.

Ang KSTC na minamanupaktura ng Inventionhaus International ang itinuturing na pinaka-epektibong alternatibong solusyon ngayon ng mga motorista para makatipid sa paggamit ng gasolina.

Bukod kasi sa halos 15-50% ang tipid na naibibigay ng KSTC sa bawat ikinakabit na gadget sa sasakyan, kinumpirma ng DOST, DOE, DENR at mga foreign regulatory agencies na nagbibigay ito ng zero pollution at dagdag na lakas ng makina.

Si Planas, 61-anyos, ay umakyat sa entablado noong Sabado ng gabi sa RCBC Plaza Carlos P. Romulo auditorium upang tanggapin ang ‘Best Brand Award’ na igina-wad ng 20th parangal ng Bayan Consumers Excellence Award.

Dating jeepney operator si Planas, ngunit ngayo’y kinikilala nang imbentor sa iba’t ibang panig ng mundo. (Ellen Fernando)

vuukle comment

BAYAN CONSUMERS EXCELLENCE AWARD

BEST BRAND AWARD

BUKOD

ELLEN FERNANDO

INVENTIONHAUS INTERNATIONAL

KHAOS SUPER TURBO CHARGER

MR. KHAOS

PLANAS

PLAZA CARLOS P

SI PLANAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with