12 NPA rebels sumurender

Calapan City, Oriental Mindoro – Labingdalawang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko sa pamahalaan sa lalawigan ng Oriental Mindoro kamakalawa. Batay sa ulat, ang mga rebel surrenderees ay nag-ooperate sa bahagi ng mga bulubunduking bayan ng Roxas, Mansalay at Bulalacao; pawang ng lalawigang ito at ilang bahagi ng kanugnog na lalawigan ng Occidental Mindoro. Ang mga nagsisukong rebelde ay pinamumunuan nina Rene Aguinaldo alyas Ka Art at Recto de los Santos alyas Ka Ronnie ng Lucio de Guzman Command. Ang mga ito ay nagsisuko matapos ang halos dalawang buwang puspusang negosasyon na isinagawa ng mga awtoridad. Sa inisyal na interogasyon, inamin ng grupo ni Ka Art na nagdesisyon silang sumuko matapos na mapagtantong mali ang ideolohiyang kanilang ipinaglalaban. (Edith Garcia Plata)

Show comments