^

Bansa

Pangungutang ng Pinas pakikialaman ng Kongreso

-
Upang hindi lalong mabaon sa utang ang Pilipinas, isinulong kahapon ni Alliance Volunteer Educators (AVE) party-list Rep. Amang Magsaysay ang panukalang batas na magbibigay ng karapatan sa Kongreso na makontrol ang pangungutang ng gobyerno.

Nais ni Rep. Magsaysay na pakialaman ng Kongreso ang pagtatakda ng public debt ceiling upang masagip ang bansa sa krisis pananalapi.

Dapat aniya na ipako na lamang sa $1.2 trilyon ang kabuuang utang ng bansa at siguraduhing hindi ito lalampas sa nasabing halaga.

Sa kasalukuyan umaabot na sa $96.8 bilyon ang kabuuang utang ng bansa habang nasa $3.6 bilyon naman ang budget deficit.

Nakasaad sa panukala ni Magsaysay na kung sosobra sa itatakdang public debt ceiling at hindi maiiwasan ang panibagong pagkakautang ay kailangang idaan muna ito sa pag-apruba ng "two-third’ ng lahat ng miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa hiwalay na botohan.

Ang anumang pagbabago sa kategorya ng mga utang ay kailangang pagtibayin din ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ikinatuwiran ni Magsaysay na mahalagang manghimasok na ang Kongreso sa usapin ng mga utang panloob at panlabas upang malimitahan o mawala na ang pagiging ‘pala-asa’ sa pangungutang ng gobyerno.

Sa halip anya na umisip ng paraan ang gobyerno, tuwing kakapusin sa pondo at lolobo ang budget deficit ay pangungutang kaagad ang naiisip na solusyon. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ALLIANCE VOLUNTEER EDUCATORS

AMANG MAGSAYSAY

DAPAT

IKINATUWIRAN

KONGRESO

MAGSAYSAY

MALOU RONGALERIOS

NAKASAAD

PILIPINAS

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with