Nagkaisa sina Davao City Rep. Prospero Nograles, Cebu Rep. Antonio Cuenco at Nueva Ecija Rep. Aurelio Umali na isulong ang muling pagwawagi ng senador matapos kakitaan si Barbers ng pagsusumikap na tumulong para maipasa ang may 810 House initiated local bills na binigo naman ng mga senador.
Una ng nagbanta ang mga mambabatas na hindi nila susuportahan ang reelection ng mga senador na humahadlang sa mga local bills na isinusulong ng Kamara. (Ulat ni Rudy Andal)