^

Bansa

Shootout: 4 kidnapper todas

-
Umiskor ang mga operatiba ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) matapos mapaslang ang apat na kidnapper ng nabawing dinukot na batang Chinese na si Gian Jethro Chua sa naganap na shootout, kahapon ng madaling araw sa lalawigan ng Laguna.

Kinilala ni NAKTAF spokesman Lt. Col. Danilo Servando ang mga kidnapper na sina Ronald Ramoso, Rogelio Ramoso, Ricky Orihinal at isang hindi pa nakilala na pawang mga miyembro ng Waray-Waray kidnap-for-ransom gang. Nakalagak ang mga bangkay sa Balobayan funeral parlor sa Mabitac, Laguna.

Ayon kay Servando, nakasagupa ng mga elemento ng NAKTAF at Police Regional Office (PRO) 4 ang mga kidnapper dakong alas-3:10 ng madaling araw sa Sagarot road, Bgry, Libis ng Nayon, Mabitac ng nasabing lalawigan.

Ang shootout ay naganap matapos na masundan ng mga operatiba ng NAKTAF ang isang kulay abong Mitsubishi Lancer GSR na may plakang TSM-445 sa bayan ng Lumban.

Nabatid na ang nasabing sasakyan ang ginamit ng mga kidnapper sa payoff noong Disyembre 29 matapos na umano’y magbayad ng P1 milyon mula sa orihinal na P50-milyong ransom ang pamilya Chua sa grupo ng mga kidnapper bago pa man mailigtas ang batang biktima.

Sinabi ni Servando na matapos maramdaman ang presensiya ng mga awtoridad ay agad na tumakas ang mga kidnapper patungo sa direksiyon ng bayan ng Kalayaan kung saan nagkaroon ng habulan.

Habang hinahabol ng NAKTAF operatives ang sasakyan ng mga kidnapper ay nalubak ito sa daan kaya inabutan ng mga awtoridad na humantong sa barilan sa pagitan ng magkabilang panig.

Nagsibaba sa sasakyan ang mga kidnapper at nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad at pagkalipas ng may 10 minutong putukan ay bumulagta ang mga ito.

Narekober sa crime scene ang bangkay ng apat na kidnapper, isang Carbine rifle, dalawang caliber .38 revolvers at isang hand grenade.

Kamakalawa ay iprinisinta ni NAKTAF chief Angelo Reyes kay Pangulong Arroyo si Gian Jethro ilang oras matapos itong masagip ng kanyang mga tauhan sa Calamba City, Laguna na nagresulta rin sa pagkakadakip ng isa sa mga kidnapper.

Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan.

Magugunita na si Chua ay kinidnap ng anim na armadong lalaki sa kahabaan ng highway ng Susana Heights sa Muntinlupa City.(Ulat ni Joy Cantos)

ANGELO REYES

CALAMBA CITY

CHUA

DANILO SERVANDO

GIAN JETHRO

GIAN JETHRO CHUA

JOY CANTOS

KIDNAPPER

MABITAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with