^

Bansa

Piso sadsad sa record low na P64 kada dolyar

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Piso sadsad sa record low na P64 kada dolyar
An individual exchanges her US dollar at an establishment for foreign exchange in Quezon City on January 15, 2026.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Bumagsak ang halaga ng piso nitong Martes, Oktubre 27, at lumampas sa antas na P64 kada dolyar, ang pinakamababang halaga ng piso sa kasaysayan.

Ayon sa datos ng Bankers Association of the Philippines, nagbukas ang piso kahapon sa P63.93, dalawang sentimo lamang na mas mababa kumpara sa ­closing rate nitong Lunes, Oktubre 26, na P63.95.

Noong Lunes ang ika-limang magkakasunod na trading day na bumagsak ang piso, at ito na rin ang ika-32 pagkakataon ngayong taon na nagsara ang piso sa panibagong record low.

Gayunman, hindi nakikita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa ngayon ang panga­ngailangang ipagtanggol ang piso.

“We have estimates of how much the peso has to move before it becomes inflationary, and that’s when we tend to intervene,” sinabi ni BSP Governor Benjamin Remolona Jr. noong nakaraang linggo.

Ang paghina ng piso ay nagdaragdag sa mga pressure na nakaaapekto sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin, nakaiimpluwensiya sa inflation, at maaaring magpataas sa halaga sa piso ng pagbabayad sa mga obligasyong denominated sa foreign currency, kabilang ang utang sa mga external creditor.

MONEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with