PANOORIN: Amihan season, umarangkada na
October 28, 2026 | 9:59am
MANILA, Philippines — Pormal nang inanunsyo ng PAGASA nitong Martes, Oktubre 27, ang pagsisimula ng Northeast Monsoon o Amihan season na inaasahang iiral hanggang Marso.
Ayon sa PAGASA, nagdadala ang Amihan ng malamig at medyo tuyong hangin mula sa East Asia at Siberia.
Inaasahang mas mararamdaman ang malamig na panahon sa Disyembre, Enero at Pebrero, pero posibleng hindi pa agad lumamig sa malaking bahagi ng bansa sa mga susunod na linggo.
Sa ngayon, higit na mararamdaman ang malamig na simoy sa Extreme Northern Luzon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended



















