Libel isinampa ni Mike A. vs Lacson

Nagsampa kahapon ng 10 counts ng kasong libelo si First Gentleman Mike Arroyo sa Manila Prosecutors Office laban kina Sen. Panfilo Lacson, Cavite Congressman Gilbert Remulla at spokesman ng Partido ng Masang Pilipino na si Lito Banayo.

Si Atty. Jesus Sison ang kumatawan sa First Gentleman sa pagsasampa ng kaso. Hinamon ni FG Arroyo na magkita na lamang sila ni Lacson sa korte kung saan ito ang "proper forum" kung saan dapat patunayan ang kanyang mga akusasyon na umano’y walang basehan at puro kasinungalingan lamang.

Kabilang sa sasagutin ni Mr. Arroyo ang umano’y algeasyong magkalaguyo sila ng kanyang sekretarya na si Vicky Toh at ang tungkol sa Jose Pidal account. Maghaharap din ng bukod na kasong civil sa korte ang abogado ni Arroyo. (Ulat nina Gemma Amargo/Ely Saludar)

Show comments