Ayon kay Lance Corporal Steven Gerrard, 33, matinding galit ang kanyang naramdaman sa pilotong Kano na may kagagawan sa pagpapaulan ng bomba sa dalawang British armoured vehicle habang sakay ang piloto ng isang US A-10 tankbuster plane sa lungsod ng Basra habang kasagsagan ng sagupaan sa pagitan ng Iraqi troops.
Sinabi naman na isa itong friendly fire matapos na mag-mintis umano ang pinakawalang bomba ng naturang piloto kaya tumama sa kapanalig na dalawang armoured vehicle kung saan nakasakay si Gerrard at apat na kasamahang sundalong Briton.
Si Gerrard kasama si Lt. Alex MacEwen ay iniuwi na sa Britanya noong Linggo matapos na malapatan ng lunas ang tinamong sugat mula sa shrapnel at pagkasunog sa katawan habang ang dalawa pang kasamahan ay kasalukuyang nasa intensive care unit ng isang hospital.
"Youve got an A-10 with advanced technology and he cant use a thermal sight to identify whether a tank is a friend or foe. Its ridiculous," ani Gerrard. (AFP)