NEDA director sinibak ni GMA

Nalagasan ng isang miyembro ang "economic dream team" ni Pangulong Arroyo ng tanggapin niya ang pagbibitiw ni National Economic Development Authority (NEDA) director general at Economic Planning Secretary Dante Canlas.

Sa isang talumpati sa ika-28 business conference sa Manila Hotel, inihayag ng Pangulo ang pagtatalaga niya kay Professor Romulo Neri bilang bagong Economic Planning secretary kapalit ni Canlas.

Pinasalamatan ng Pangulo si Canlas sa malaking naiambag nito sa ipinatupad na macro economic program ng kanyang administrasyon. Si Neri ang magpapatuloy ng binakante niyang puwesto para ipatupad naman ang bagong micro economic program ng pamahalaan.

Si Neri ay isang propesor ng business management ng Asian Business Management ng Ayala Corp. at may 20 taong karanasan sa larangan ng pangangasiwang pang-korporasyon at larangan ng pananalapi. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments