^

Bansa

First Gentleman special envoy sa OFWs

-
TOKYO, Japan via PLDT - Itinalaga ni Pangulong Arroyo si First Gentleman Mike Arroyo bilang special envoy for Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ang pahayag ng Pangulo ay kanyang ginawa kagabi sa kanyang talumpati sa harapan ng Filipino community sa Hotel Mariners Court sa Tokyo, Japan.

Sinabi ng Pangulo na magsisilbing espesyal na kinatawan niya ang First Gentleman para asikasuhin ang mga kapakanan ng OFWs.

Nilinaw ng Pangulo na walang suweldo ang bagong puwesto ng kanyang kabiyak.

"Itinalaga kong sugo sa ating mga kababayan ang aking mahal na kabiyak na si Atty. Jose Miguel Arroyo. Kaya lang Mike, wala itong suweldo, ang bayad lang ay ang aking pagmamahal,"
sabi ng Pangulo.

Tiniyak rin ni GMA na lahat ng mga pangangailangan ng OFWs ay ginagawa ng pamahalaan para mapabuti ang kanilang kabuhayan.

Sa panig naman ni FG, tinanggap niya ang posisyon at umaasa na hindi siya uulanin ng batikos sa bagong puwesto sa gobyerno dahil sa ito ay para lamang sa kapakanan ng mga OFWs. (Ulat ni Ely Saludar)

ELY SALUDAR

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HOTEL MARINERS COURT

ITINALAGA

JOSE MIGUEL ARROYO

KAYA

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with