^

Bansa

Tacloban shooting kinonek sa ‘764’ extremist group

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniugnay ni Sen. Risa Hontiveros sa online extremist group na “764” ang pamamaril sa San Jose National High School noong Hunyo 22, kung saan tatlong estudyante ang nasawi at ilan pa ang sugatan.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, ­Family Relations and Gender Equality, sinabi ni Hontiveros na may indikasyon na ang insidente ay maaaring naimpluwensyahan ng “764,” na umano’y bahagi ng nihilistic violent extremism (NVE) network.

Ayon sa kanya, kinilala ng FBI ang grupo bilang “banta sa pambansang seguridad,” habang tinuring naman itong teroristang orga­nisasyon ng gobyerno ng Canada. Dagdag pa niya, ginagamit ng grupo ang mga online games gaya ng Roblox, Minecraft, at GoreBox para makapag-recruit ng kabataan.

“Kinakaibigan muna, pinaparamdam na kabilang sila, bago unti-­unting hinihika­yat sa mas madilim at ­ma­panganib na gawain,” ani Hontiveros.

Isa sa mga suspek ay nag-post sa Facebook ng larawan na nakasuot ng KMFDM shirt, na ginagamit ng ilang NVE members bilang simbolo ng Columbine massacre. May mga miyembro rin ng NVE network na nagkomento at nagpuri sa suspek matapos ang insidente.

Nilinaw ni Hontiveros na hindi pa pinal ang ugnayan ng pamamaril sa NVE network at ipinasa na ang impormasyon sa NBI para sa beripikasyon.

Bagama’t hindi siya nananawagan ng blanket ban sa video games, iginiit ni Hontiveros ang pa­ngangailangan ng regulasyon at mas matibay na proteksyon sa kabataan online. Panawagan niya sa gobyerno ng maagap na aksyon laban sa mga online groomer at recruiters upang maiwasan na maulit ang trahedya.

RISA HONTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with