^

Bansa

Marcos tuloy ang Canada trip

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumuloy pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Canada sa kabila ng ikinasang surprise rally ng grupong Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, kaya tumuloy ang Pangulo sa Canada ay dahil naniniwala ito sa liderato ng INC na ang rally nila ay para itaguyod ang transparency at a­ccountability.

Paliwanag ni Castro, hindi rin naman ito binabalewala ni Marcos dahil ito rin ang nais niya kaya nagpapaimbestiga para mapaigting ang transparency at ­accountability.

Subalit kung ang rally ay patungkol sa kaso ni Sen. Rodante Marcoleta ay hindi aniya makakatugon ang Pangulo dahil ito ay usapin ng kaso at ang rekamo ay hindi hawak ng ehekutibo kundi ng Ombudsman.

Dahil dito kaya wala aniyang dahilan para ikansela ang biyahe ni Marcos sa Canada na matagal nang naka-schedule, kaya kahit may mga bulong-bulungan na mayroong gagawa ng destabilization ay hindi ito magpapahinto sa Presidente para magtrabaho.

INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with