14 ahensiya ng gobyerno pinabubuwag ni GMA
() - August 20, 2002 - 12:00am
Pinabubuwag ni Pangulong Arroyo ang 14 ahensiya ng gobyerno upang mabawasan ang budget para sa susunod na taon.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, chairman ng makapangyarihang House committee on Appropriations.

Ang 14 ahensiya na nasa ilalim ng pitong departamento ng pamahalaan ay posibleng hindi na bigyan ng pondo sa 2003 General Appropriations Act.

Kapag natuloy ang pagbuwag sa 14 na ahensiya ay inaasahang makakatipid ang gobyerno ng P1.597 bilyon, subalit aabot naman sa 6,851 na manggagawa sa gobyerno ang maaapektuhan.

Sa mga ahensiyang pinag-aaralang buwagin, tatlo ang nasa ilalim ng DTI, ang International Coffee Organization (ICO) certifying agency, Bonded Export Marketing Board at Construction Manpower Dev’t Foundation; dalawa sa DPWH, ang Bureau of Maintenance at Bureau of Equipment; dalawa rin sa DOTC, ang Telecommunications Office at Office of the Transport Cooperatives.

Apektado rin ang Commission on Filipino Overseas ng DFA; Phil. National Volunteer Service Coordinating Agency ng NEDA; Commission on Settlement of Land Problems ng DOH; Cotton Development Administration at Agri Credit Policy Council ng Dep’t of Agriculture.

Pinag-aaralan na ring buwagin ang National Book Dev’t Board at isapribado naman ang National Printing Office.

Ayon kay Andaya, ang telecom office ng DOTC ang may pinakamaraming bilang ng mga empleyadong maaapektuhan. Ito rin ang may pinakamalaking budget na umaabot sa P1.143B. (Ulat ni Malou Escudero)

AGRI CREDIT POLICY COUNCIL BONDED EXPORT MARKETING BOARD BUREAU OF EQUIPMENT BUREAU OF MAINTENANCE CAMARINES SUR REP CONSTRUCTION MANPOWER DEV COTTON DEVELOPMENT ADMINISTRATION FILIPINO OVERSEAS GENERAL APPROPRIATIONS ACT INTERNATIONAL COFFEE ORGANIZATION
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with