^

Bansa

Roco pinaiimbestigahan ng Malacañang dahil sa anomalya

-
Pinaiimbestigahan ni Pangulong Arroyo si Education Secretary Raul Roco kaugnay ng alegasyong sangkot umano ito sa anomalya.

Sa reklamo ng Department of Education (DepEd) Central Office Employees Union, hiniling nito kay Pangulong Arroyo na siyasatin ang umano’y paglustay ni Secretary Roco ng pondo ng bayan.

Nakasaad sa sulat ng unyon na pinangungunahan ng kanilang presidente na si Atty. Domingo Alidon, ang anila’y kuwestiyunableng pagpapa-imprenta ni Roco ng 200,000 ng "Bawat Graduate Bayani at Marangal" posters na may larawan nito at muling umorder ng dagdag na 150,000 piraso.

Ayon pa sa unyon, kung ang posters ay para sa mga paaralan ay sobra-sobra ito sa dahilang aabot lamang sa kabuuang 48,000 ang public schools sa bansa.

Kinukuwestiyon din ng grupo ang pagkuha ni Roco ng mga consultant na tumatanggap ng malaking suweldo gayong ang mga trabaho nito ay kaya naman daw gawin ng mga empleyado.

Bukod dito, ibinunyag din ng unyon ang umano’y pagtanggi ni Roco na isoli sa national treasury ang service fee funds ng DepEd na nagkakahalaga ng P15 milyon kada buwan na mula Enero hanggang Hunyo taong kasalukuyan.

Ang reklamo ay inindorso na ng Pangulo kay Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) chairman Dario Rama.

Espesyal umano ang naging trato ng Palasyo sa reklamong ito ng unyon ng DepEd dahil hindi ipinadaan sa koreo at sa halip ay ipinahand-carry pa ng Pangulo kay Rama ang complaint letter laban kay Roco.

Ayon naman kay Rama, sakaling mapatunayang nagkasala si Roco ng paglabag sa Republic Act 6713/3019 Code of Ethical Standard ay mahaharap ito sa suspension o dismissal. (Ulat ni Ely Saludar)

AYON

BAWAT GRADUATE BAYANI

CENTRAL OFFICE EMPLOYEES UNION

CODE OF ETHICAL STANDARD

DARIO RAMA

DEPARTMENT OF EDUCATION

DOMINGO ALIDON

EDUCATION SECRETARY RAUL ROCO

PANGULONG ARROYO

ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with