Nida Blanca pinatay; binurdahan ng 13 saksak
November 8, 2001 | 12:00am
Malagim at karumal-dumal ang naging wakas ng beteranang aktres na si Nida Blanca nang siyay tadtarin ng saksak ng di pa nakilalang grupo ng kalalakihan sa loob ng sarili niyang kotse sa isang parking area kahapon ng umaga sa San Juan, Metro Manila.
Positibong kinilala ni Supt. Rodrigo de Gracia, hepe ng San Juan police, ang bangkay ni Blanca, Dorothy Jones sa tunay na buhay, 65 anyos at kasalukuyang miyembro ng Board of Directors ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na may opisina sa Atlanta Towers Center sa Annapolis st., Greenhills, San Juan.
Nagtamo ito ng 13 tama ng saksak sa mukha at katawan at lumalabas rin sa medico-legal na ito ay pinalo ng matigas na bagay sa mukha. Ang mga sugat at pasa nito sa katawan ay senyales na nanlaban ang aktres sa mga salarin. Ayon sa pulisya, posibleng kakilala rin ng aktres ang mga suspek.
Ayon sa ulat, nadiskubre ang bangkay ng aktres dakong alas-8 ng umaga ng magsagawa ng security check ang guwardiyang si Rommel Macasa sa ika-6 palapag ng gusali.
Nakita nito ang nagkalat na dugo sa palibot ng kulay berdeng Nissan Sentra Super Saloon (UPJ-547) at natagpuan ang nakahigang bangkay ni Blanca sa sahig ng likuran ng sasakyan na naliligo sa sariling dugo. Nabatid na nakasuot si Blanca ng checkered na blouse at kulay itim na pantalon.
Sa imbestigasyon ng PNP, umalis ng kanyang bahay si Blanca matapos makapananghalian at dumating sa tanggapan ng MTRCB dakong alas-5:08 ng hapon sakay ng kanyang kotse.
Saglit na pumasok ang aktres sa MTRCB at agad ring lumabas kasama ang isang kaibigan para magpunta sa casino.Iniwan nito ang kanyang kotse sa parking area ng Atlanta Center at sumakay sa kotse ng kanyang kaibigan na hindi pinangalanan ng mga awtoridad.
Matapos umanong mag-casino, muling bumalik ang aktres sa MTRCB office bandang magha-hatinggabi para doon kunin ang iniwang kotse. Saglit itong pumasok sa MTRCB at tuluyan nang lumabas dakong alas-12 ng madaling araw para umuwi. Ang kanyang pag-alis sa tanggapan ng MTRCB ay nakatala sa log book ng guwardiya nito.
Naniniwala ang mga awtoridad na paalis na ang aktres sakay ng kanyang kotse ng biglang salakayin ng mga salarin.
Sa imbestigasyon pa ng PNP crime lab, si Blanca ay pinatay sa pagitan ng alas-4 hanggang alas-5 ng madaling araw kahapon, mga tatlong oras bago ito natagpuan.
Sa panayam naman sa asawa nitong si Rod Strunck, noong Martes pa ng hapon nawawala ang kanyang maybahay. Si Blanca ay 22 taon nang kasal kay Strunck.
Napag-alaman na nakatakdang makipagkita si Blanca sa malapit nitong kaibigang si Caridad Sanchez, pero di nakasipot ang biktima.
Sa pag-aakalang inindiyan siya sa kanilang meeting place, tumawag pa umano si Sanchez sa bahay ni Blanca dakong alas-5 ng hapon para tanungin kung bakit hindi ito dumating sa kanilang pinag-usapang lugar.
Gayunman, magdamag na hindi umuwi ng bahay ang biktima hanggang sa madiskubre ang bangkay nito kinabukasan ng umaga.
Posible umanong pinatay ang aktres sa labas ng sasakyan dahil sa panlalaban nito at ipinasok na lamang sa kotse upang hindi agad ito mapansin ng mga guwardiya.
Pangunahing anggulo sa krimen ang pagnanakaw matapos na mabatid na nawawala umano ang pitaka at alahas nito at ang ikalawa ay posibleng kagalit ni Blanca sa MTRCB.
Marami rin ang haka-haka na posibleng may kaugnayan din sa insurance ang pamamaslang dahil isang dayuhan ang asawa nito.
Dumating sa naturang lugar ang mga kabigan sa showbiz ng aktres na sina Nestor de Villa, Annabelle Rama, asawa nitong si Eddie Guttierez, Daisy Romualdez, Rachel Alejandro at Geelyn Eugenio.
Pinakilos na ni Justice Secretary Hernando Perez ang National Bureau of Investigation (NBI) para tumulong sa isasagawang imbestigasyon ng PNP sa karumal-dumal na pagkamatay ni Ms. Nida Blanca.
Inatasan ni Perez ang NBI at PNP na magsanib ng puwersa upang agarang resolbahin ang kaso.
Tiniyak ni PNP Chief Leonardo Mendoza na hindi titigil ang pulisya hanggang hindi nadarakip ang mga salarin. Dalawang sangay naman ng NBI ang tutulong sa imbestigasyon.
Ayon kay NBI Director Reynaldo Wycoco, malamang na gamitin nila ang DNA testing sa bangkay ng aktres upang mapag-aralan nang husto ang motibo ng krimen.
Samantala, mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ngayon sa lahat ng entry points ng gusali ng MTRCB makaraang magluksa ang buong tanggapan sa pagkamatay ni Blanca.
Umaasa ang pamunuan ng naturang ahensiya na hindi magtatagal ay mabibigyan din ng hustisya ang kamatayan ng aktres. (Mga ulat nina Danilo Garcia, Joy Cantos. Ellen Fernando, Angie dela Cruz, Grace Amargo at Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended