MILF, Sayyaf nagsanib ng puwersa

Kinumpirma kahapon ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan ang pagsasanib ng puwersa ng mga bandidong Abu Sayyaf Group at rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para makipaglaban ng sabayan sa tumutugis na tropa ng militar sa lalawigan ng Basilan.

Kasabay nito ay ibinunyag din ni Adan na nabisto nila ang plano ng naturang mga rebelde na maglunsad ng sabay-sabay na pag-atake sa Barangay Bulanting sa Lamitan na pamumunuan ni ASG Kumander Lamad Jalon; sa Gitnang Basilan na isasagawa ng isang Kumander Kalaw Jaljalis at ang paglusob ng magkasanib na ASG at MILF sa Bgy. Lumut sa bayan ng Sumisip. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments