'Rose Bud' humingi ng proteksyon

Hiniling kahapon sa Departmet of Justice ng dating undercover agent ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force na si Mary Ong alyas ‘Rose Bud’ na ipailalim siya sa witness protection program.

Sinabi ni Ong kay Justice Secretary Hernando Perez na bigyan siya ng proteksyon dahil sa pagbubunyag niya sa mga katiwalian sa Philippine National Police noong panahon ng dati nitong hepeng si Panfilo Lacson na kasalukuyang kumakandidatong senador.

Naunang idinawit ni Ong si Lacson at iba pang matataas na opisyal ng PNP sa mga kasong drug trafficking, kidnaping, wiretapping at carnapping.

Binanggit pa ni Ong na, sa ngayon, nakakatanggap siya ng mga pagbabanta sa kanyang buhay o death threat. (Ulat ni Grace Amargo)

Show comments