Mansion ni Erap i-sequester

Hinamon kahapon ng United Opposition sa pamamagitan ni Lakas-NUCD-UMDP Executive Director Joey Rufino ang Presidential Commission on Good Government na i-sequester ang umano’y magagarbong mansion at ibang ill-gotten wealth ni Pangulong Joseph Estrada.

Umapela rin si Rufino kay Estrada at sa mga cronies nito na baguhin ang kanilang mga gawi para sa ikakabuti ng bansa.

"Pansinin naman ninyo ang paghihirap ng sambayanang Pilipino na umuusok na ang ilong sa galit dahil sa mga kalokohang nabunyag sa paglilitis ng Senado sa kasong impeachment ni Estrada," sabi pa ni Rufino. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

Show comments