Palipasin daw ang Pasko

Hihilingin ng Confederation of Land Transport Organization of the Philippines sa Department of Transportation and Communication na palipasin muna ang Pasko bago tuluyang ipatupad ang Seatbelt Act para maibsan ang gastusin ng mga may-ari ng mga pampublikong sasakyan at ang inaasahang pamamasko ng ilang traffic enforcer sa mga motorista. Isasagawa ng grupo ang hakbang dahil sa inaasahang pagpapatupad ng Land Transportation Office sa susunod na buwan sa naturang batas na nag-oobliga sa lahat ng sasakyan na gumamit ng seat belt. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments