^

PSN Opinyon

STEM curricula para sa 2 Makati public schools, aprub sa DepEd

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

(Una sa 2 labas)

Good news, Proud Makatizens!

Dalawa sa ating public elementary schools ang binigyan ng Department of Education (DepEd) ng pahintulot para sa full implementation ng special math at science curricula para sa mga grade three students.

Simula sa darating na school year, ang mga gifted at talented students mula sa Palanan Elementary School at Makati Elementary School ay makakapag-focus na sa kani­lang STEM curricula para lalo pang mahasa at ma-develop ang kanilang angking galing at talino.

Malaking advantage ito para sa ating mga mag-aaral dahil ang advanced curricula ay mas makakapaghanda sa kanila para sa mga kursong gusto nilang kunin pagda­ting ng kolehiyo. Maaga pa lang ay maihahanda na sila para sa mas mahihirap na leksyon at ito ang kanilang magi­ging edge sa darating na mga taon. Maaari rin itong magbukas ng mas maraming oportunidad para sila ay makakuha ng iba’t ibang scholarships o grants sa kanilang pag-aaral. Sa ngayon, Palanan at Makati Elementary Schools pa lamang ang nabigyan ng special permit ng DepEd, pero patuloy po nating pagtatrabahuhan na ang iba pang pa­aralan ay mabigyan din ng ganitong espesyal na pribilehiyo.

Sa specialized curriculum ay magkakaroon ng Enhanced Science and Technology, Mathematics, at English subjects ang ating mga Grade 3 students. Dito ay bibigyan sila ng mas challenging at advanced na lessons at acti­vities kung saan mahahasa ang kanilang analytical at problem-solving skills. Bibigyan din sila ng mas malalaking­ proyekto para mas ma- challenge ang mga bata at lumabas ang kanilang creativity at resourcefulness.

Bukod pa rito, ang mga bata ay magkakaroon ng Ro­botics at Computer Programming subjects. Isipin niyo na lang na sa ganyang edad ay makakaranas na sila ng digital at technology-centered learning na mai-aaply sa maraming aspeto ng pang araw-araw na pamumuhay. Tinatayang may 400 estudyante ang makakasali sa programang ito.

(Itutuloy bukas)

vuukle comment

MAKATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with