200 ang semana

Dear Tita Salie,

Hi! Good morning. Tawagin nyo na lang po ako na si Jenny. I’m 36 yrs of age. May tatlong anak na po ngunit hindi pa po kasado sa kinakasama ko.

Ang problema ko po ay itong kinakasama ko. May trabaho po siya isang driver sa junkshop at may sahod na P200 per day.

Stay-in po siya sa trabaho at tuwing weekend lang kung umuwi sa amin. Ngunit nagtaka po ako nang 200 lang ang inuwi niyang pera para sa buong linggo. 200 lang ang semana niya. At nalaman ko na naluluko pala siya sa babaye.

Ano po ba ang dapat  kong gawin para maiuwi niya ang pera na suweldo niya para sa kanyang pamilya? Kasi nag-aaral na ang tatlong anak namin. I really need your advice. Thank you po.

* * *

A pleasant day. Ito talaga ang weakness ng mga asawa natin. Dahil karamihan sa kanila madali lang maluko sa mga babae. At hindi man lang maawa sa kanilang pamilya na palagi na lang kulang ang budget dahil kunti na lang ang natira sa sahod nila. Kung hindi sa babae nandoon sila sa inuman. Madali nilang makalimotan kung gaano kahirap ang kanilang pinagdaanan upang makuha ang ganoong halaga.

Mas mabuti seguro, Jenny, na tuwing sweldo o pay day ng mister mo sunduin mo siya doon sa pinapasokan niya at ikaw ang kumuha sa sweldo niya. Kung puyde kausapin mo ang amo ng mister mo at ipaliwanag mo sa kanila ang problema mo at kung bakit nandiyan ka tuwing sweldo nila. – Tita Salie

Show comments