^

PSN Showbiz

Piolo, naghahakot pa rin ng award sa Mallari

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Piolo, naghahakot pa rin ng award sa Mallari
Direk Derick, Ron, Piolo, Janella, Bryan at Rona

Muling pinalakas ng Ultimate Heartthrob ng bansa na si Piolo Pascual ang kanyang pagiging leading man, na nanalo ulit ng Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box Office Entertainment Awards sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), Inc.

Ang Mallari na official entry sa 2023 Metro Manila Film Festival, is a chilling cinematic journey into the depths of Fr. Juan Severino Mallari’s psyche, the Philippines’ sole documented serial killer from the 19th century.

Meticulously crafted, ito rin ang first-ever Filipino film to be distributed by Warner Bros. Pictures na pinag-ugnay rin ang historical accuracy with psychological horror.

Tatlong major characters ang binigyang buhay ni Piolo sa pelikulang ito.

Ito ang ikalawang Best Actor niya sa Mallari, kasunod ng kanyang pagka­panalo sa inaugural edition ng Manila International Film Festival last January 2024, na ginanap sa Hollywood, USA.

Sinamahan ng Mentorque producer na si John Bryan Diamante aka Bryan Dy, executive producer na si Rona Banaag, Clever Minds co-owner at supervising producer na si Omar Sortijas, director Derick Cabrido, ganundin ang kanyang Mallari co-stars na sina Janella Salvador at Ron Angeles, nang personal na tanggapin ang nasabing prestigious award.

Nagbigay ng pagkakataon ang MIFF, na proyekto ni Metropolitan Manila Development Authority/MMFF Acting Chairman Atty. Romando S. Artes, na umabot sa ibang bansa ang epekto ng kuwento ng pelikula.

Kaya naman dahil sa tagumpay at positive reception nagbukas ito ng numerous collaborations, na ikinatuwa ng baguhang producer.

Ang Mentorque Productions, sa pakikipagtulungan sa Project 8 Projects, na pag-aari ng mga direktor na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone, ay nakatakdang gumawa ng panibagong impact sa 2024 Cinemalaya Film Festival ngayong Agosto.

Kamakailan ay natapos na ang shooting ng Kono Basho sa Japan na inanunsyo ng Pangulo at CEO ng Mentorque sa kanyang Facebook account, na may larawan ng dalawang babae na nakasuot ng itim na kimono. Ayon kay Bryan : “A Mentorque Productions and Project 8 Projects collaboration. Two worlds collide in Filipino film set in Japan, Kono Basho, starring Gabby Padilla and Arisa Nakano! (emojis Philippine and Japan’s flag). At the helm is visual artist Jaime Pacena in his directorial debut Kono Basho, an entry to this year’s Cinemalaya Film Festival.”

May sightings din si Bryan with Angkas President George Royeca and directors Dolly Dulu and Ivan Andrew Payawal na parang nagsa-suggest ng potential collaboration in an upcoming project.

Additionally, a post featuring Bryan alongside TEN17P producer director Paul Soriano, his wife Toni Gonzaga-Soriano, and the couple Mikee Morada and Alex Gonzaga-Morada, owners of TinCan Productions, hints at further exciting partnerships.

Pero sa gitna ng mga pangyayaring ito, focused ang Mentorque producer sa kanilang entry para sa 50th Metro Manila Film Festival, ang fantasy-drama na Biringan.

Ang kasiyahan ni Bryan ay lalo pang pinalakas ng 14 sa 18 nominasyong natamong Mallari sa nalalapit na FAMAS Awards night sa Mayo 26, 7 PM, sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.

The nominations include Best Actor (Piolo Pascual), Best Picture (Mentorque Productions/Clever Minds), Best Director (Derick Cabrido), Best Screenplay (Enrico C. Santos), Best Cinematography (Pao Orendain), Best Child Actor (Kian Co), Best Supporting Actress (Gloria Diaz), Best Supporting Actor (JC Santos), Best Editing (Noah Tonga), Best Sound (Immanuel Verona and Nerikka Salim), Best Production Design (Marielle Hizon), Best Visual Effects (Gaspar Mangarin), Best Theme Song (Pag-ibig na Sumpa by JK Labajo), and Best Musical Score (Von De Guzman).

Maalalang, naiuwi ng Mallari ang Best Supporting Actor, Best Musical Score, Best Visual Effects, and Third Best Picture sa MMFF 2023 Gabi ng Parangal.

At simula sa June 21, mapapanood na rin ito sa Netflix.

vuukle comment

ACTOR

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with