^

Police Metro

Bagyong Falcon inaasahang hahagupit! - PAGASA

Pang-masa
Bagyong Falcon inaasahang hahagupit! - PAGASA
Si Falcon ay huling namataan sa layong 1,315 kilometro ng silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 80 kilometro bawat oras.
PAGASA

Matapos ang pananalasa ni ‘Egay’

MANILA, Philippines — Sa kabila ng mabagal na pagkilos ng bagong bagyong Falcon habang nasa may kanlurang bahagi ng Philippine sea kahapon, inaasahang lalakas ito ngayong linggo, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (PAGASA).

Si Falcon ay huling namataan sa layong 1,315 kilometro ng silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 80 kilometro bawat oras.

Sa susunod na tatlong araw, magkakaroon ng malakas na pag-ulan sa western portion ng Luzon at Visayas  dulot ng habagat na pinaigting ng bagyong Falcon.

Mas malakas ang ulan din ang mararanasan sa mga matataas at bulubunduking lugar na may banta ng pagbaha at landslide.

Dahil sa epekto ng habagat na pinaigting ng bagyo, umiiral ang Gale warning sa baybayin ng western seaboard ng Luzon, eastern at  southern seaboards ng Southern Luzon, at eastern at western seaboards ng Visayas.

Pinapayuhan ang mali­liit na bangka na mapanganib ang pumalaot dahil sa malalaking alon sa karagatan.

Inaaaahang lalabas ng Philippine area of responsibi­lity (PAR) si Falcon sa Lunes ng gabi o Martes ng umaga.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with