Big-time pusher, huli sa buy-bust!
SAN PABLO CITY, LAGUNA, Philippines — Arestado ang isang lalaking nasa High Value Individual drug list ng pulisya sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sta. Elena sa lungsod na ito, hapon nitong Huwebes, Oktubre 29, 2026.
Kinilala ng San Pablo Component City Police Station ang arestadong suspek na si alyas “Ron,” nasa hustong gulang, residente ng lugar.
Base sa ulat, alas-3:05 ng hapon, ikinasa ng Drug Enforcement Unit ng San Pablo City Police kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Laguna ang isang buy-bust laban sa suspek.
Bago ang operasyon, isinailalim muna sa ilang araw na surveilance ang suspek.
Nasamsam dito ang may 60 gramo ng shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P408,000.00.
Narekober din sa posisyon ng suspek ang mga buy-bust money na ginamit, 1 pack ng plastic sachet na walang laman, gunting, lighter, weighing scale, isang cellphone, at isang belt bag na pinaglagyan ng mga kontrabando.
- Latest






















