Libreng sipsip poso-negro alok ng Maynilad
MANILA, Philippines — Libreng paglilinis ng septic tank ang alok ng Maynilad Water Services, Inc. sa mga residential at semi-business customers nito ngayong Setyembre sa piling lugar sa Metro Manila at Cavite.
Ayon kay Engr. Zmel Grabillo, Head ng Wastewater Management ng Maynilad, layunin ng programa na makatulong sa pagbawas ng polusyon at pangangalaga sa kalusugan at kalinisan ng mga komunidad. Karaniwang umaabot sa P4,700 bawat truck ang halaga ng septic tank desludging service.
Kabilang sa mga lugar na sakop ang piling barangay sa Caloocan, Las Piñas, Maynila, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Quezon City, at Valenzuela, gayundin sa Bacoor at Imus sa Cavite.
Maaaring tumawag ang mga kwalipikadong customer sa Maynilad Hotline 1626 para sa mga kinakailangan at proseso ng pag-avail ng libreng serbisyo.
- Latest





















