^

Balita Ngayon

Willie nais pa rin bumalik sa ABS-CBN

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung bibigyan ng pagkakataon ay nais bumalik ng host Willie Revillame sa Kapamilya network matapos mapaso ang kanyang kontrata sa TV5.

“Kung tatanggapin ako, okay,” pahayag ni Willie sa entertainment website Philippine Entertainment Portal (pep.ph). “Basta gusto kong programa, parang Wowowee pa rin.”

Sinabi ni Willie na handa siyang magpatawad at humingi ng tawad sa mga nasaktan sa ABS-CBN.

“Ako naman, wala naman akong hinanakit, e,” kuwento pa ni Willie.

“Kung nangyari man ‘yon, puwede naman akong magpakumbaba, humingi ng tawad kung sino ang nasaktan kung sino man ‘yan. Alam mo, lagi nasa puso natin, forgiveness," dagdag niya.

Noong 2010 ay hindi nagkasundo si Willie na hawak ang noontime show na Wowowee sa ABS-CBN at ang kanyang mga boss.

Nag-ugat ang hindi pagkakaunawaan matapos umanong siyang siraan ng komentaristang si Jobert Sucaldito.

Lumipat si Willie sa TV5 at binuo ang Wowowillie na natapos nitong Oktubre.

“Kung nagkamali ako, pasensiya na, ganun talaga. Masyado lang akong nagko-concentrate sa programang ‘yan [Wowowee]," banggit ng TV host.

Sa ngayon ay pinagkakabalahan ni Willie ang expansion ng kanyang Wil Tower mall at condominium sa likod ng ABS-CBN at ang pagpapagawa ng kanyang five-star hotel sa Tagaytay.

vuukle comment

ALAM

JOBERT SUCALDITO

KAPAMILYA

KUNG

PHILIPPINE ENTERTAINMENT PORTAL

WIL TOWER

WILLIE

WILLIE REVILLAME

WOWOWEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with