^

Balita Ngayon

Kris at Ryzza Mae nagbisitahan sa kanilang mga show

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nag-enjoy ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa pagbisita sa kanya ng bulilit dabarkads ng Eat Bulaga na si Ryzza Mae Dizon.

Nitong Lunes ng umaga sa “Kris TV” ay guest niya ang pinakabatang host ng Eat Bulaga na si Ryza at ginawa ang naturang episode set ng kanikang pelikulang “Torky and My Little Bossing.”

Nakipagkuwentuhan si Kris at ang kanyang bunsong anak na si Baby James kay Ryzza, hanggang sa tinuruan ng 2012 Little Miss Philippines ng Cha-Cha ang mag-ina.

Pagbibidahan nina Kris, Vic Sotto, Bimby, Ryzza at Aiza Seguerra ang Torky and My Little Bossing para sa kanilang entry sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Nag-post ng litrato si Kris sa kanyang Instagram account tungkol sa kanyang pagkatuwa sa dalawang bata.

"Through the eyes of children everything can still be beautiful, exciting & inspiring. Thank you for today because Bimb & Ryzza renewed my faith that LIFE IS WONDERFUL! Good night," post ni Kris na gamit ang username na
@krisaquino214.

Samantala, naging guest naman ni Ryza sa kanyang show na "The Ryzza Mae Show" si Kris at Bimby.

Noong 2012 MMFF ay top grosser ang pelikula ni Kris na "Sisterakas" kasama sina Ai Ai delas Alas, Vice Ganda, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla, habang marami rin ang nanood ng "Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako" na pinagbidahan ni Bossing Vic, Senator Bong Revilla Jr. at Judy Ann Santos.

Ito ang debut movie ni Bimby samantalang pangalawa ito ni Ryzza na unang sumabak sa Enteng Kabisote last year.

Si Bossing ang gaganap na Torky habang si Bimbay naman ang Little Bossing.

vuukle comment

AI AI

AIZA SEGUERRA

BABY JAMES

BIMBY

BOSSING VIC

EAT BULAGA

KRIS

RYZZA

TORKY AND MY LITTLE BOSSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with