^

Balita Ngayon

'Nando' papalapit sa Batanes, inaasahang lalabas sa Huwebes

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napanatili ng bagyong “Nando” ang kanyang lakas habang papalapit ito sa Batanes group of Islands, ayon sa state weather bureau ngayong Martes.

Namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas-4 ng hapon ang mata ng bagyo sa 220 kilometro  hilaga-silangan ng Appari, Cagayan o 190 kilometro timog-silangan ng Basco Batanes.

May lakas si Nando na 75 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 90 kph, habang gumagalaw ito pa-hilaga-kanluran sa bilis na 15 kph.

Nakataas ang public storm warning signal number 2 sa Batanes group of Islands, habang signal number 1 naman sa probinsya ng Cagaya, Calaya, Apayao, at Isabela.

Inaasahang nasa 100 km hilaga ng Basco Batanes si Nando bukas ng hapon, at uusog ito sa 580 km hilaga-silangan sa Huwebes.

Makakaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at panaka-nakang malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila at buong Luzon.

Si Nando ang pang-14 na bagyong dumaan sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon.

vuukle comment

APAYAO

APPARI

BASCO BATANES

BATANES

CAGAYA

CALAYA

METRO MANILA

NANDO

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

SI NANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with