^

Balita Ngayon

Napoles, utol nasa Pinas pa - De Lima

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala si Justice Secretary Leila de Lima na nasa bansa pa ang umano’y nasa likod ng P10 bilyon pork barrel scam.

Sinabi ni De Lima ngayong Martes na hindi pa sila nakaktanggap ng ulat na nakalabas na ng bansa ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles at ang kapatid nitong si  Reynald "Jojo" Lim.

"All existing leads na nakakalap ng [National Bureau of Investigation] ngayon point to the fact that they are still here but they are hiding," pahayag ni De Lima sa isang pulong balitaan ng Inter-Agency Graft Coordinating Council (IAGCC).

Inaakusahan si Napoles na nasa likod ng bilyung-bilyong pangungurakot sa pork barrel sa pagtanggap ng mga pondo ng kanyang pekeng non-government organizations.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Commission on Audit na ang ilang pork barrel ng mga mambabatas ay idiniretso sa mga NGO ni Napoles noong 2007 hanggang 2009.

Kaugnay na balita: 10 NGO ni Napoles nakatanggap ng P2-B pork barrel

Pinaghahahanap ang mag-utol sa kasong illegal dentention matapos umanong ikulong ang whistleblower na si Benhur Luy.

Naglunsad na ng malawakang manhunt operation ang NBI matapos magtago si Napoles at ang utol niya.

 

vuukle comment

BENHUR LUY

DE LIMA

INAAKUSAHAN

INTER-AGENCY GRAFT COORDINATING COUNCIL

JANET LIM-NAPOLES

JOJO

JUSTICE SECRETARY LEILA

KAUGNAY

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with