^

Balita Ngayon

Juday iiwan ang ABS-CBN?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umuugong ang balitang iiwan na ni Judy Ann Santos ang Kapamilya network kapag pinutol ang pag-eere ng kanyang pinakabagong teleserye na "Huwag Ka Lang Mawawala."

Sa column ng manager ni Judy Ann na si Alfie Lorenzo sa Abante-Tonite, sinabi niyang tinitingnan niya ang mga posibilidad na maging proyekto ng kanyang alaga sa Kapuso at Kapatid network.

Lumabas ang tsismis na pag-over the bakod ni Judy Ann dahil sa pag-cancel ng kanyang soap opera sa ABS-CBN sa susunod na tatlong lingo.

 â€œEh blessing in disguise pa ang nangyayari ngayon dahil 'pag natapos na ang Huwag Ka Lang Mawawala ay mawawala muna sa ABS-CBN si Juday,” sabi ni Lorenzo sa kanyang column na lumabas ngayong Huwebes.

“Dahil hindi siya nag-MMK eh sa Magpakailanman siya gagawa,” dagdag ng talent manager. “

Sinabi pa ni Lorenzo na wala ring naka-lineup na pelikula ang Star Cinema kay Judy Ann kaya puwedeng-puwede ito gumawa sa TV5.

‘Still processing things’

Kita sa mga tweets ni Judy Ann ang kaguluhan sa kanyang isip kung itutuloy ba niya ang pag-alis sa ABS-CBN.

May nagtanong pa kay Judy Ann kung lilipat nga ba ito sa ibang network.

Sagot ni Juddy Ann ay “still processing things.”

Hindi lamang si Judy Ann  ang big star sa industriya na napapabalitang tatawid sa kabilang network. Kumakalat din ang mga tsismis na lilipat sa ABS-CBN ang kapuso superstar na si Marian Rivera.

Nitong kamakalawa lamang ay iniwan na rin ni Ogie Alcasid ang GMA7 at pumirma ng tatlong-taong kontra sa TV5.

ANN

BLOCKQUOTE

COM

HUWAG KA LANG MAWAWALA

JUDY

JUDY ANN

JUDY ANN AGONCILLO

TWITTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with