^

Balita Ngayon

Bangkay ng 3 pang biktima sa Zamboanga landslide nahukay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natagpuan na ang tatlo pang bangkay ng mga batang nalibing ng buhay sa landslide sa tumama sa isang barangay sa Kabasalan, Zamboang Sibugay.

Sinabi ni Senior Inspector Rico Pondol, hepe ng Kabasalan police office, na natagpuan ang bangkay ni Eugene Orong Maghanoy, 9, ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng insidente nitong Martes.

Unang narekober ang bangkay ng kapatid ni Eugene na si  Fatima Orong Maghanoy nitong Linggo ng umaga.

Kahapon ng hapon naman nabungkal ang wala nang buhay na katawan ng kanilang pinsan na sina Sherlyn Mae Lugatiman Maghanoy, 7, at kapatid nitong si Eziquel Meziah,3.

Magkayakap pa nang matagpuan ng mga awtoridad ang bangkay nina Sherlyn Mae at Eziquel.

Sinabi pa ni Pondol na naaagnas na ang katawan ng mga biktima nang matagpuan nito.

Sumilong ang mga biktima sa isang abandonadong bahay dahil sa lakas ng ulan ngunit tinabunan naman ito ng gumuhong lupa noong Mayo 28.

vuukle comment

EUGENE ORONG MAGHANOY

EZIQUEL

EZIQUEL MEZIAH

FATIMA ORONG MAGHANOY

KABASALAN

SENIOR INSPECTOR RICO PONDOL

SHERLYN MAE

SHERLYN MAE LUGATIMAN MAGHANOY

SINABI

ZAMBOANG SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with