5.4 magnitude na lindol tumama sa Quezon

MANILA, Philippines – Niyanig ng 5.4 magnitude na lindol ang Metro Manila ngayong Huwebes ng umaga ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Tumama ang lindol bandang 10:27 ng umaga sa 84 kilometro ng Jomalig, Quezon province, na may lalim na limang kilometro.

Sinabi pa ng Phivolcs na naramdaman ang intensity 3 sa lungsod ng Quezon.

Show comments