^

Balita Ngayon

Kasambahay umano'y pumatay ng amo, arestado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya sa Zamboanga City ang isang kasambahay na napapagbintangang pumaslang sa kanyang amo niyang Indiano noong nakaraang taon, pahayag ng isang opisyal nitong Huwebes.

Sinabi ni Senior Superintendent Edwin de Ocampo, city police director, na nasakote si Vanessa Diaz Manuel, 21, noong Martes sa kanyang bahay sa Baranggay Cabaluay.

Si Diaz ay inakusahang pumatay sa kanyang amo na si Nirmal Kour, 17, sa Baranggay Guiwan noong nakaraang taon.

Sa kanyang salaysay, itinanggi ni Diaz na siya ang pumaslang sa kanyang amo at iginiit na dalawang lalaki na puwersahang pumasok sa tinutuluyan ng biktima ang mga totoon salarin.

Gayunman, sinabi ni De Ocampo na walang nakita ang mga crime scene investigators na palatandaang may ibang taong pumasok sa tirahan ng biktima nang maganap ang pamamaslang.

Base pa sa imbestigasyong isinagawa ng pulisya, pinaslang ni Diaz si Kour dahil nahuli siya nitong nagnanakaw.
 
Pansamantala namang nakalaya ang suspek matapos maglagam ng P40,000 na piyansa. Roel Pareño

vuukle comment

BARANGGAY CABALUAY

BARANGGAY GUIWAN

DE OCAMPO

DIAZ

NIRMAL KOUR

ROEL PARE

SENIOR SUPERINTENDENT EDWIN

SI DIAZ

VANESSA DIAZ MANUEL

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with