‘Diploma for sale’ sa Cagayan, pinasisilip

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian sa Commission on Higher Education (CHED) na imbestigahan ang ulat na nakakakuha ng degrees sa kolehiyo ang ilang mga estudyante kapalit ang P2 milyong bayad.

“I strongly urge the Commission on Higher Education to promptly investigate reports of foreign students in Cagayan allegedly paying up to P2 million for degrees. While I strongly support internationalization in our higher education institutions HEIs, I vehemently oppose any practice allowing the proliferation of diploma mills in our country,” ani Gatchalian.

Ipinunto rin ni Gatchalian na ang pagbebenta ng diploma ay magpapahina sa pagsisikap ng gobyerno na itaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Dapat anyang patawan ng CHED ng kaukulang parusa ang mga HEIs at mga opisyal nito na nagbebenta ng degrees.

Show comments