^

Para Malibang

House Of Death (75)

GLOSS THE RECORD - Gilda Olividado - Pang-masa

MAY naisip na paraan si Mario. “Hindi maaring akala mo sila na ang may-ari ng inyong yaman, Benilda. Isusuplong ko sila kay Hepe. Sasabihin kong nagnakaw sila ng pag-aari ninyo at ituturo ko ito kung saan. Kapag napatunayang may kasalanan sila, maari na siguro ­­nating hilingin kay Hepe na paalisin sila dito sa mansiyon.”

“Gawin mo ang inaakala mong makakatulong sa akin, Mario. Hindi talaga dapat malustay ang legacy ng mga magulang ko.”

“Dito lang kayo. Pupuntahan ko si Hepe.” Nagmamadaling umalis si Mario.

HINDI na naman agad naniniwala ang hepe kay Mario. “Doon sa tabi ng imahe ni satanas, may mga alahas at mga ba­reta ng ginto na inilibing sina Temyong? Kanino ninakaw nina Temyong ang mga ito?”

“Sa mga orihinal na may-ari ng mansiyon na ito, hepe.”

“Pambibintang pa lang ‘yan. Wala pa ta­yong katibayan.”

“Kung mahuhukay ang mga alahas at mga bareta ng ginto, meron na, hepe.”

“Mario, masyado itong pantastiko, ha? Pero sige, pagbibigyan kita. Magpapadala ako ng tatlong pulis. Maghuhukay at magwi-witness na nakuha nga ang kayamanan. Saka natin kakasuhan si Temyong. Lalo na kung hindi mapapatunayan na kanya o kanila ang mga alahas at ginto.”

“Malaking utang na loob po namin, Hepe kapag naayos po ito.”

Dumating ang tatlong pulis, hindi lang sila, sumama pa si Hepe.

Kinausap nang pormal sina Temyong. “Hukayin mo iyang may tusok na kahoy, ‘yang katabi ng imahe ng pinakamasamang nilalang sa uniberso.’W

“Bakit po naman naming gagawin ‘yan, Hepe? Wala naman kaming alam diyan.”

“Malalaman natin kung meron o wala nga kayong alam. Kaya nga hukayin n’yo na.”

“Tiyak na kung ano-anong kalokohan ang pinagsasabi ni Mario sa inyo. Siya ho ang paghukayin ninyo! Pakukulong ako kapag nahukay niya!” Galit pa si Temyong.

“Hepe ako ng kapulisan dito, Temyong. May karapatan akong mag-utos kapag para sa kabutihan ang dahilan. At tungkulin mo namang sumunod. Kundi pakakasuhan kita.”

Natameme si Temyong, nasukol.

Kinuha ni Hepe ang panghukay, ibinigay kay Temyong. “Simulan mo na!” Itutuloy

vuukle comment

HOUSE OF DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with