^

Metro

Motorcycle rider tigok sa bagok

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 29-an-yos na motorcycle rider nang mabagok ang ulo nang bumagsak sa kalye matapos siyang bumangga sa nakahintong tricycle, sa intersection ng Teresa at Anonas Sts., sa Sta. Mesa, Maynila, noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Nicomedes Corong Y Pua Jr., residente ng 125 Alcoy St., panulukan ng Agham Road, Quezon City.

Sa ulat ni SPO2 Manuel Gabin Jr.,ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong alas-2:30 ng madaling araw  nang maganap ang insidente sa harapan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Nasa full stop umano ang motorsiklong may side car (NA 11760) na minamaneho ni Eduardo Gulila, 40, barangay tanod sa lugar at residente ng no. 282 Teresa St., Sta, Mesa, Maynila, nang mabangga ito ng Yamaha Mio (1835 HY) na minamaneho ng biktima sa kaliwang harapang bahagi.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang driver at bumagok umano ang ulo nito habang ang angkas na si Jho Osorio ay nasaktan din.

Isinugod ang dalawa sa UERM Hospital  at dakong alas-9:32 ng umaga nang ideklarang patay si Corong bunga ng pinsalang tinamo sa ulo.

vuukle comment

MOTORCYCLE RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with