^

Probinsiya

Mister itinumba sa harap ng ‘lover’

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  – Pinagbabaril ng riding-in-tandem assassins ang isang 43-anyos na mister sa harap ng kanyang umano’y “kalaguyo” sa Barangay Manano, Mallig, Isabela noong Biyernes ng gabi.?

Kinilala ni Sr. Insp. Rexson Casaway, hepe ng Mallig Police ang napatay na si Roel Mabuti, ng nasabing lugar. ?Lumalabas na kararating lamang sa kanilang bakuran ang biktima kasama ang kanyang “babae” nang ratratin sa kanyang likuran ng mga lalaking bumubuntot sa kanila.?

Bumulagta sa  lupa si Mabuti habang natulala ang kalaguyo nito na natalsikan pa ng dugo sa mukha.?Tinitingnan ng mga imbestigador ang anggulong love triangle sa pamamaslang dahil tumutol si Mabuti na pumirma sa annulment case na isinampa ng kanyang misis na nasa Italya.?

Ayon kay Casaway,  may iba ring kinakasamang lalaki ang misis ng biktima sa abroad kung saan nito binabalak pumirmi.

vuukle comment

REXSON CASAWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with