Puwesto sa World Cup nakataya sa Asian Zonals
MANILA, Philippines - Mahigit 37 woodpushers ang sasabak ngayon sa paglarga ng 2017 Asian Zonal Chess Championship na gaganapin sa Tagaytay International Convention Center ng Tagaytay City.
Pangungunahan nina Grandmasters Julio Catalino Sadorra at John Paul Gomez ang 19 Filipino chessers na naghahangad na makasungkit sa dalawang slots para sa 2017 FIDE World Cup na idaraos sa Tsibilisi, Georgia ngayong Setyembre.
Ang Vietnamese GM na si Nguyen Ngoc Truong Son ang top seeded player sa 11-day na torneo dahil sa kanyang 2629 FIDE rating habang si Sadorra ang second seed (2596) kasunod si GM Susanto Megaranto ng Indonesia (2527), Gomez (24-81) at GM Dao Thien Hai ng Vietnam (2478).
Sa women’s division, mayroon ding siyam na Filipina woodpushers ang lalahok para sa isang slot sa Women’s World Championship.
Ito ay sina IM Irine Kharisma Sukanda ng Indonesia at IM Nguyen Pham Le Thao ng Vietnam ang two-two seeded players kasama na si WIM Janelle Mae Frayna, WIM Fronda Jan Jodilyn, WIM Secopito Catherine, Christy Lamiel Bernales, WIM Beverly Mendoza, WFM Shania Mae Mendoza, WFM Jia Doroy Allaney at Karen Mariano.
- Latest