^

Metro

Mag-asawa, nasita sa bala sa NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang bala ng kalibre .22 ang nakita sa loob nang bitbit na bag ng mag-asawa patungong Estados Unidos nang idaan nila ito sa x-ray machine pagpasok sa main entrance ng departure lobby sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2, kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat, nakita ng mga tauhan ng Office Transportation Security (OTS) ang nasabing bala. Kini­lala ang mag-asawang pasahero na sina Cesar Caranto, at Marlyn Caranto, ng San Carlos Pangasinan.

Nagalit ang mga ito sa security officers na sumita sa dala nilang bala pero kalaunan inamin nila na inilagay ito sa kanilang bag ng kanilang kaibigan para maiwasan ang diumano’y masamang mangyayari dahil ang bala ay anting-anting at pangontra sa mga kapahamakan. Gayunman, pinayagan ma­kasakay ng eroplano ang dalawa patungong USA pero ang bala ay ipina­iwan ng mga awtoridad sa NAIA.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with