^

Punto Mo

EDITORYAL - Problema sa pabahay nararapat nang lutasin

Pang-masa

MALAKING problema ang kakulangan sa pabahay sa buong bansa. Sa Metro Manila na lamang, sandamakmak ang walang sariling bahay at lupa kaya kahit ang mga estero ay tinatayuan ng barung-barong. Huwag lang malingat ang may-ari ng isang bakanteng lupa, ookupahin na ng mga informal settlers at hindi na mapapaalis ang mga ito.

Maski sa probinsiya ay nagkakaroon na rin ng problema sa pabahay. Nang manalasa ang bagyong Yolanda sa Eastern Samar at iba pang probinsiya sa Visaya, maraming nawalan ng bahay at lumaki ang problema sa pabahay. Kamakailan lang, nagkaroon ng mga bahay ang naging biktima ng Yolanda. Ipinag-utos ni President Rodrigo Duterte ang pagpapabilis sa paggawa ng mga bahay at ipagkaloob ito sa mga biktima ng bagyo. Maaari naman palang bilisan ang proseso sa pagkakaloob ng mga bahay bakit hindi agad ginawa noon. Naghintay pa ng ilang taon bago naipagkaloob sa mga biktima ng bagyo.

Ang nangyayaring kaguluhan ngayon sa housing projects sa Pandi at San Jose del Monte, Bulacan ay isang problema na dapat tutukan ng pamahalaan. Hindi ito dapat ipagwalambahala. Inokupa ng may 5,000 katao na kabilang sa grupong Kadamay ang mga bakanteng bahay sa Pandi at San Jose del Monte noong nakaraang linggo at hindi sila umaalis sa kabila ng pakiusap ng National Housing Authority (NHA) na lisanin ang mga bahay sapagkat mayroon nang mga may-ari ang mga iyon.

Nagmatigas ang mga miyembro ng Kadamay at sinabing hindi sila aalis, kahit anong mangyari. Ayon sa kanila, nakatiwangwang lamang ang mga bahay at walang ginagawa ang pamahalaan para ipamahagi ang mga ito kaya inokupa nila. Nagtungo na rin daw sila sa Malacañang noong nakaraang Disyembre 2016 at pinanawagan ang kanilang hiling na ipamahagi na ang mga bahay pero wala raw aksiyon.

Bagama’t mali ang inakto ng Kadamay na basta na lamang inokupa ang mga bahay sa Bulacan, dapat aksiyunan ng pamahalaan ang problema. Hindi dapat balewalain ang problema ng mga walang masilungan. Kailangan nila ng desenteng tirahan.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with