^

Probinsiya

Shootout: Ex-cop sa Maguindanao massacre, kritikal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kritikal ang dating pulis na sangkot sa Maguindanao massacre noong 2009 na kumitil sa 58 katao kabilang ang 32 mediamen matapos itong kumasa sa arresting team sa naganap na shootout sa bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa.

Naisugod naman sa Provincial Hospital ng Kidapawan City ang nakipagbarilan na si ex-P01 Jonathan Engid na kabilang sa mga kinasuhan sa pagkamatay  ng 58-katao 

Si Engid ay ika-122 sa 196 suspek na tinutugis kaugnay sa Maguindanao massacre na naganap noong Nobyembre 23, 2009 sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Donald Cabigas, hepe ng Pikit Police na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-7 ng umaga habang isinisilbi  ang warrant of arrest laban kay Engid sa Brgy. Batulawan, ay pumalag ito at naki­pagbarilan sa arresting team.

Nabatid na nag-isyu si Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 ng warrant of arrest sa kasong murder laban kay Engid.

Nabatid na nasa 195  suspek ang sangkot sa Maguindanao massacre na karamihan ay mga pulis na malapit sa maimpluwensyang angkan ng mga Ampatuan na mastermind sa krimen.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng pulisya at militar laban sa 73 pang suspek.

 

vuukle comment

MAGUINDANAO MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with