^

Metro

2 gun for hire, arestado

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Timbog ng mga tauhan ng Quezon City police ang   dalawang hinihinalang notoryus gun for hire, karnaper at magnanakaw kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga nadakip na sina Jonathan Torno, alyas Khadafi, 33, at Anastacio Sta Cruz, 31 kapwa residen­te ng Sitio Bathala, Brgy. Bahay Toro, QC. Si Torno ay pinag­kakatiwalaan umano ng isang alyas Madam, kila-lang drug pusher  sa Brgy. Bahay Toro.

Ayon sa pulisya si Torno at Sta. Cruz ay miyembro ng notoryus carnap gang at   gun for hire.

Sinabi ni Gen. Eleazar na nakatanggap sila ng impormasyon na ang grupo ni Torno ay may planong mangarnap ng motorsiklo noong gabi ng Pebrero 22, 2017 para gamitin nilang get-away vehicles sa kanilang pagna­nakaw.

Nabatid pa sa ulat na dakong alas-4:30 ng hapon nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) Police Senior Ins­pector Paterno L. Do­mon­­don Jr., kasama ang kanilang impormante.

At nitong alas-11:00 ng gabi naispatan ng mga pulis ang grupo ni Torno habang sakay ng kanilang sariling motorsiklo  sa San Jose St. at isa sa mga suspek ay may sukbit na baril sa kanyang bewang.

Kapwa nadakip ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) sa pamumuno ni  Supt. Rogarth B. Campo, ang mga suspek at kasalukuyan ngayon nakapiit.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with