PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Takaw(12)

“NANG mabalitaan ko ang nangyari agad akong nagtungo sa bukid at nakita ko ang karumal-dumal na krimen. Hindi ko kayang pagmasdan ang mga katawang walang ulo. Sa pakiwari ko, sobra ang galit ni Pareng Tommy sa asawa niya at sa kalaguyong helper. Talagang siniguro na patay ang dalawa.

“Ang daming tao na nag-usyuso sa mga bangkay. Kung anu-ano pa nga ang narinig kong sabi ng mga tao. Sabi ng mga usyusero, baog daw si Pareng Tommy kaya nanlalaki si Mareng Lina. Ang tagal na raw kasal e bakit hindi pa nabubuntis. Gusto na raw magkaanak pero hindi kayang bigyan ni Pareng Tommy.

“Alam mo gusto ko nang sumagot at sabihing hindi baog si Pareng Tommy. Gusto kong sabihin na napakabait ni Pareng Tommy at katunayan ay nahuli na niya ang asawa pero pinatawad niya. Pero hindi na ako nagsalita. Sinarili ko na lang ang mga nalalaman. Pero sa totoo lang awang-awa ako kay Pareng Tommy. Hindi lang niya sinunod ang payo ko na huwag magpadala sa galit pero siguro ay hindi na niya nakaya ang tagpo na mismong sa bahay pa gumawa ng kataksilan ang asawa. Siguro ay mapapatawad muli niya kung hindi sa mismong bahay nila nangyari ang kataksilan.”

Sumabat sa usapan si Thelma. Parang atat na atat kanina pa si Thelma.

“Sa tingin ko naman kasi sa asawa ni Pareng Tommy ay talagang nakatago ang kalandian. Kapag nag-uusap kami e hindi makatingin nang deretso. Para bang may itinatago. Akalain mo pinsan pa niya ang nakarelasyon. Sa sari-ling bakuran pa nagsabog ng lagim,” sabi at tumingin kay Trevor.

Si Trevor naman ay nakatingin lang at nakangi­ti. Namamanhid ang mga pisngi dahil sa lambanog.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“O takalan mo pa si Trevor, Delmo. Parang nakaka-isang shot pa lang siya,” sabi ni Thelma.

“Tama na sa akin ang isang shot at baka hindi ako makauwi.”

“E di dito ka na matulog para makapagkuwentuhan pa tayo. Meron pa akong hindi naikuwento kay Pareng Tommy.”

“Oo nga naman, Drew dito ka na matulog,” panghihikayat ni Thelma.

“Kakahiya na sa inyong mag-asawa.”

“Wala yun,” sabi ni Thelma. “Teka at kukuha ako ng litson. Marami pang litson.”

Nagtakal si Delmo ng lambanog. Nag-toast sila. Medyo garil nang magsalita si Delmo. Marami na itong nainom. Naibulalas ang awa sa kumpareng Tommy.

“Naaawa talaga ako kay Pareng Tommy. Sinisisi ko nga minsan ang sarili ko kung bakit naisumbong ko pa sa kanya ang ginagawa ng asawa. Pero naisip ko rin naman kahit siguro hindi ko sinabi matutuklasan din niya.”

Nakita ni Trevor ang paglapit ni Thelma na may dalang litson. Halata ni Trevor na nagpapakita ng motibo si Thelma sa kanya. Nababasa niya ang body language ng babae.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: