PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (94)

“TOTOO ba ang sinasa-bi mo, Baldo na Mahinhin ang tunay na pangalan ni Bianca?” Tanong ni Scarface Tsekwa.

“Oo Bossing. Kaya siguro hindi siya makita ng mga inutusan mo. Sa kanilang lugar ay walang kilalang Bianca.’’

“Hayop na babaing yun ah, napaglalangan ako.’’

“At meron din akong nalamang impormas­yon Bossing na yung bahay na pinagdausan ng painting exhibit ni Bianca noon ay pag-aari ng isang nagngangalang Robert. Di nagpunta ka sa exhibit?’’

“Oo. Pero sandali lang dahil wala akong naki-tang anino ni Bianca roon. Mukhang natunugan ako. Magaling talaga dahil hindi naman pala Bianca ang pangalan kundi Mahinhin. Itong Robert na sinasabi mo ay kaanu-ano ni Bianca?’’

“Maaaring siyota siya, Bossing?’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Napatangu-tango si Tsekwa. Pagkaraan ay hinimas ang peklat sa pisngi.

“Kung siyota siya ni Bianca alyas Mahinhin, tiyak na may nalalaman siya kung nasaan ito di ba?’’

“Tama ka Bossing.’’

“So kailangan pala nating dikdikin ang Ro-bert na yun.’’

“Yes Bossing.’’

“Ano pang hinihintay n’yo, puntahan n’yo na ang bahay ni Robert at patugain kung nasaan si Bianca alyas Mahinhin at pati ang CD. Huwag kayong babalik hangga’t walang magandang ba-lita.’’

“Masusunod Bos-sing.’’

“Kailangan ko ang CD. Mahalaga iyon. Kapag napasakamay ng PDEA ang CD, tapos na ang career ko. Kaya huwag kayong babalik na walang dala!’’

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: