PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal (90)

PERO mali ang hinala ni Robert na nakapasok sa bahay niya ang mga tauhan ng drug lord na si Tsekwa. Napa-praning lang siya kaya iyon ang nasasaisip. Nang muli siyang sumilip sa bintana para tingnan kung ano may likha ng ingay sa gate, nakita niya si Nesto, ang ka­ibigang waiter sa Pugad-Uwak KTV. Si Nesto pala ang narinig niya kanina. Sa tingin niya ay nalilito si Nesto dahil pakamut-kamot sa ulo. Parang na­liligaw ito at hindi malaman kung tama ang gate na kinakatok.

Mabilis na lumabas si Robert.

‘‘Nesto!’’ Tawag niya.

Nang makita siya ni Nesto ay napangiti ito. Para bang nabunutan ng tinik.

“Ikaw ba ‘yung nagbubukas ng gate kanina?’’

“Oo Sir Robert. Kasi, hindi ko malaman kung ito nga ang bahay mo. Nawala sa isip ko. Matanda na yata ako. At saka meron akong problema kaya ako nagpunta rito. Kanina pa ako pabalik-balik dito na parang naliligaw.’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Oo nga. Binigyan mo ako ng problema dahil akala ko pinasok na ako ng mga tauhan ni Tsekwa. Na-pra­ning ako…’’

Napakamot sa ulo si Nesto.

“Sorry Sir Robert, kasi nga’y may problema ako.’’

‘‘Anong problema?’’

“Pinaalis na ako ng Intsik na may-ari ng panciteria sa Sta. Cruz. Hindi na raw niya kailangan ng cook. Huling araw ko na kahapon, Sir Robert. Problema dahil nag-aaral ang anak ko. Saan ako kukuha ng ipapakain sa pamilya ko ngayon?’’

“Marunong kang mag-drive?’’

“Oo. Dati akong taxi driver Sir Robert bago na­ting waiter sa Pugad-Uwak. Sa akin nga sumasakay ang mga dancer dun kaya ako napasok sa KTV na iyon. Nirekomenda akong waiter.’’

“E di mag-drive ka na lang sa akin. Magkano ba ang gusto mong suweldo?’’

“Bahala ka na Sir Ro­bert. Basta mapag-aral ko lang ang anak ko at makakain kami ng tatlong beses.’’

“Paano ang tirahan mo?’’

Napakamot sa ulo si Nesto.

‘‘Bahala na ang Diyos, Sir Robert.’’

‘‘Sige dito na kayo tumira sa bahay ko. Yung misis mo ba e puwede bang tagalaba, cook at tagalinis ng bahay.’’

“Opo Sir. Kayang-kaya niya!’’

“Sige, kunin mo na ang mga gamit n’yo at lumipat na kayo rito ngayon din. Ilabas mo na yung kotse sa garahe at gamitin mong panghakot ng gamit.’’

Parang may pakpak ang mga paa ni Nesto.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: