^

True Confessions

Damo sa Pilapil (84)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SA next week na tayo aalis patungong Encard­nado Resort di ba?’’ tanong ni Mam Dulce,

“Oo. Naka-reserve­ na tayo. Inayos na ng sister ko. May sariling­ cottage tayo.’’
“Wow! Excited na ako Zac.’’

“Magpa-file na nga ako ng leave sa office.’’

“Gusto ko masulit ang lakad nating ito. First time tayong magkasama sa lakad. Sigurado ka bang mag-eenjoy tayo roon, Zac?’’

“Oo. Masisiyahan ka, Mam.’’

“Nakapunta ka na ba roon?”

“Minsan. Pero dinidebelop pa noon ang lugar. Maganda ang lugar. Pink ang buhangin dun. Magandang tanawin ang paglubog ng araw.’’

“Wow!’’

“Dapat nun pa tayo nagpunta para nakita mo ang ganda. Kaso e sa abroad ka naging busy.”

“Oo nga. Pero nga­yon e stop na. Di ba sabi ko sa’yo. Ayaw ko nang mag-out of the country.’’
“Dahil din siguro sa ginawa ni Bogs ano, Mam?’’

Hindi nakasagot si Mam.

“Sorry, Mam.’’

“It’s okey. Totoo naman. Hindi ko nagustuhan ang experience habang kasama ang Bogs na ‘yun. Pagsasamanta­lahan pala ako.’’

“Sabagay maganda na rin at maaga mong nadiskubre ang ugali ng Bogs na ‘yun.’’

“Oo nga. Pero ang isang worry ko ay yung banta sa’yo. Ingat ka Zac. Ayaw kong may mangyayari sa’yo.’’

“Mag-iingat ako, Mam.’’

 

KINABUKASAN, may sinabi si Mam Dulce kay Zac.

“Hindi makakasama sa atin si Manang Cion.’’

“Okey lang sa’yo na ta­yong dalawa, Mam?’’

“Oo naman.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with